Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang tapatan ng Binibining Pilipinas 2026 at Mr. World Philippines 2026 ngayong August 26 sa 'Family Feud'Kings and queens ng pageants ang mapapanood sa Family Feud ngayong August 26.

Ngayong Miyerkules, fresh mula sa kanilang tagumpay sa national pageant stage, magtatapat naman sa Family Feud ang recent winners ng Binibining Pilipinas 2026 at ng Mr. World Philippines 2026.

Pangungunahan ng Team Binibini ang mga bagong reyna at runners-up ng Binibining Pilipinas 2026. Pinamumunuan ito ni Gwendoline Meliz Soriano, ang bagong Binibining Pilipinas International 2026 at isa ring model, host, at actress na representative ng Baguio City.