Article Inside Page

Showbiz News

Makakapasok si Felipe Marasigan sa Mister Supranational top 20 kung mananalo siya sa Supra Chat series.May pagkakataon na naman ang mga Filipino fans at supporter ng male beauty pageants na ipakita ang kanilang voting power dahil isa na namang representative ng bansa ang nangangailangan ng boto nila para sa isang international competition.

Nanawagan ng boto para kay Mister Supranational Philippines Felipe Marasigan ang Mister Pilipinas Worldwide organization sa kanilang official Instagram account. Kasama sa caption ng post ang instructions kung paano bumoto para kay Felipe sa Supra Chat series. Makakapasok si Felipe sa Mister Supranational top 20 kung mananalo siya dito.

Isa si Felipe sa 11 winners na pinangalanan noong Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong April 15 sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City.