Article Inside Page
Showbiz News
May hatid na spoiler ang cast ng You're My Favorite Song tungkol sa kanilang serye sa kanilang pagbisita sa All-Out Sundays!Naghatid ng “next-gen” kilig ang mga lead star ng You're My Favorite Song na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano sa kanilang pagbisita sa All-Out Sundays noong episode ng July 12.
Hinandugan ng apat na bida ng GMA Afternoon Prime romance-drama series ang mga manonood at kanilang mga tagahanga ng isang nakakakilig na group performance ng OPM song na O Pag-ibig.
Agad na nagdulot ng matinding tilian at suporta ang kanilang pagtatanghal mula sa mga fans na nasa studio.






