This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Hindi kailangan ni Robin Padilla na magtunog na handa sa kaniyang trabaho bilang senador. Kailangan lang niyang laging maging in-character ng kaniyang mga pelikula: sanggano, batang-kanto, inaapi. Kunwaring para sa nakararami.
Sa kabila ng batikos, puna, pintas sa kaniya ng mga mistulang may alam sa intricacies ng batas at politika nitong mga nagdaang araw, oo, pinakikinabangan ito ni Senador Robin Padilla. Kaya nga ang tanong sa akin ng isang, walang biro, nakasakay ko sa LRT noong isang araw, kung sino raw ang nakalamang sa prosecution o defense sa impeachment court. Ang sagot ko, nakalamang si Robin Padilla. Hindi nakapagtatakang pinagtawanan ako sa sagot kong ito. But here’s why.Wala sa talino o wisdom ng batas, wala sa lohika o substance, nasa plain-folk appeal at populist rhetorics and theatrics ang puhunan ni Robin bunsod ng kaniyang mga naging papel sa pelikula na, well, hawig din naman sa kaniyang totoong buhay: sanggano, batang kanto, kriminal, o, sa lagay ng pagpapatakas kay Senador Bato, kasabwat.
First and foremost, artista si Robin. Ito ang buhay niya hanggang ngayon. Alam ang kaniyang anggulo sa harap ng camera, alam kung paano siya tatangkilikin ng madla mula takilya hanggang mangunang senador. Alam kung paano bumitaw ng appealing sa madlang hitsura at diyalogong pampelikula.








