Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang opinyon ni BB Gandanghari sa mungkahi ni Robin Padilla na ibaba ang edad ng criminal liability rito:Nagbigay ng opinyon si BB Gandanghari sa panukala ng nakababatang kapatid niyang si Senator Robin Padilla na ibaba ang edad ng criminal liability sa 10 years old mula sa 15.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 7, ipinahayag ni BB Gandanghari ang kaniyang “hundred percent” na suporta sa panukala ng kapatid.
“Kasi nga unang-una, sa America, ang daming ganiyan. Discussion din 'yan sa America. And then si Robin, pumunta ulit sa mga biktima and then I went with him sa Tacloban. Nagpunta kami sa burol ng mga bata, nakausap namin 'yung mga magulang, 'yung mga nabaril sa ospital, pinuntahan namin lahat 'yun. So I saw the pain, I saw 'yung nagawa ng krimen ng isang 14-year-old na in my mind, parang how can you—it's a crime,” sabi ni BB Gandanghari.







