Article Inside Page

Showbiz News

Kung may pagkakataon, gusto raw ni BB Gandanghari BB Gandanghari magtrabahong muli sa GMA Network.Pagkatapos ng ilang taong pagkawala sa showbiz dahil sa paninirahan sa Amerika, handa na muli si BB Gandanghari gumawa ng mga proyekto sa Pilipinas.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 7, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung bukas bang gumawa ng mga proyekto sa Pilipinas si BB Gandanghari.

“Oh yeah, I'm more than willing. Of course, siyempre hindi naman lahat pwede mong gawin on your own. I'm still looking forward to working with the directors; we have really good directors now,” sagot ni BB Gandanghari.