Article Inside Page
Showbiz News
Robin Padilla: “Iba talaga ang hitsura ko kapag pulitika.”“Sa totoo lang po, mas masaya sa showbiz kaysa sa pulitika, malayong-malayo ho. Iba ang ligaya po sa shooting.”
Ito ang naging pahayag ni Senator Robin Padilla habang inilalahad ang naging samahan nila ng kanyang co-stars sa pelikulang Bad Boy 3, na nagkaroon ng preview screening kahapon, June 4.
Bago ang naturang event, nagkaroon ng kaguluhan sa Senado, kung saan nagkaroon ng maiksing tensyon sa pagitan ni Robin at ng secretary ng Department of Interior and Local Government na si Jonvic Remulla.






