Article Inside Page

Showbiz News

Ibinahagi rin ni Rocco Nacino ang kanyang opinyon sa pagpasok ng mga artista sa politika: "Disagree and can agree."Ni-reveal ni Rocco Nacino na muntik na siyang pumasok sa politika, pero pinili pa rin ang showbiz.

Sa pakikipagkuwentuhan kay King of Talk Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (August 14), binalikan ng aktor ang muntikang pagtakbo sa eleksyon.

"Muntik na. May nagyaya na rin. Nagbigay rin po ako ng intensyon. May mga kinausap din po bilang options din ba, pero pinili ko pa rin ang showbiz," sabi niya.