Article Inside Page
Showbiz News
Nagbigay ng reaksyon si Rocco Nacino sa kanyang nude scene sa 'Tirik,' kung saan gumaganap siya bilang pari. Gayundin, ipinaliwanag ng aktor ang title ng kanyang Cinemalaya film. Basahin dito.Inihayag ni Rocco Nacino ang meaning sa likod ng title ng kanyang Cinemalaya film na Tirik. Kabilang ang nasabing pelikula sa 22nd edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, natatawang ikinuwento ni Rocco kay King of Talk Boy Abunda na maraming nag-aakalang bold ang kanyang pelikulang Tirik.
"Tinanong ko rin sa direktor namin, si Direk Ma-i [Guia Padilla], 'Bakit Tirik? Parang bold dating.' 'Sadya 'yon.' Parang pang-pique ng interest," sabi ng aktor.






