Article Inside Page
Showbiz News
Gaganap bilang pari si Rocco Nacino sa upcoming Cinemalaya film na 'Tirik.'Bibida si Kapuso actor Rocco Nacino sa upcoming drama thriller film na Tirik.
Isa ito sa siyam na full-length entries para sa prestihiyosong Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.
Gaganap si Rocco dito bilang pari na mag-a-attend ng lamay kasama ang kinontrata niyang taxi driver. Pero imbes na simpleng commute, magiging isang kakaibang road trip ang kanilang biyahe sa gitna ng magulong siyudad sa kasagsagan ng tinaguriang "drug war."






