Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang exciting family showdown ngayong July 9 sa 'Family Feud!'Magsasama-sama ang de Leon family at Aquino family sa pagpapatuloy ng week-long family special ng Family Feud bilang bahagi ng campaign na "More tawa, more saya kasama ang buong pamilya."
Sa team na Lotlot & Family ay ang mga anak at apo ng National Artist na si Nora Aunor. Pangungunahan ang team ni Lotlot de Leon, na mapapanood din sa isang upcoming GMA drama series. Kasama niya ang kapatid na si Matet de Leon na huling napanood sa Apoy sa Dugo at ngayon ay matagumpay na rin bilang online entrepreneur.
Maglalaro rin ang kanilang non-showbiz brother na si Kenneth de Leon at ang bunsong anak ni Lotlot na si Maxine Gutierrez.






