Article Inside Page

Showbiz News

Narito ang mga makakasama nina Liza Lorena at Melissa Mendez sa 'Family Feud' ngayong July 17."More tawa, more saya kasama ang buong pamilya" ngayong Biyernes dahil maghaharap ang pamilya ng mga hinahangaang aktres sa industriya na sina Liza Lorena at Melissa Mendez.

Maglalaro ngayong July 17 ang pamilya ng multi-awarded actress na si Liza Lorena na may mahigit anim na dekadang career sa showbiz. Bago pa man siya naging isa sa mga pinakarespetadong aktres sa bansa, naging first runner-up din siya sa Binibining Pilipinas 1966.

Sa episode na ito ng Family Feud, ipinasa ni Liza ang pagiging team captain sa kanyang daughter-in-law na si Glydel Mercado. Siya ay kilala bilang isang accomplished actress na minsang nagwagi bilang Best Supporting Actress sa apat na major award-giving bodies sa loob ng isang taon.