Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang tapatan ng team nina Katrina Halili at Dion Ignacio sa 'Family Feud' ngayong June 1 sa 'Family Feud!'Masaya, nostalgic, at nakakakilig ang pagbubukas ng buwan ng Hunyo sa Family Feud!
Bilang pagdiriwang ng Independence Day month, ang official tagline natin para sa Hunyo ay “malayang makitawa, malayang makisaya!” Kaya naman asahan ang Monday episode na punong-puno ng entertainment, tawanan, at good vibes sa Family Feud!
Tampok ngayong June 1 ang exciting reunion ng dalawang alumni ng kauna-unahang season ng StarStruck na sina Katrina Halili at Dion Ignacio. Muli silang magsasama sa iisang stage bilang magkalabang team captains sa Family Feud.






