Article Inside Page
Showbiz News
Makaka-bonding ng mga bida ng 'You're My Favorite Song' ang kanilang solid fans sa isang fan meet ngayong August!Ibinahagi ng GMA Public Affairs sa kanilang social media accounts ang isang kapana-panabik na balita para sa mga tagasubaybay ng afternoon romance-drama series na You're My Favorite Song kung saan magkakaroon ng fan meet ang programa kasama ang main stars nito!
Sa isang livestream noong Huwebes, July 2, nagbahagi ng mga detalye ang main cast na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano tungkol sa mga susunod na kaganapan sa kwento ng kani-kanilang mga karakter.
Bukod dito, nagpahapyaw rin ang apat na Kapuso young stars tungkol sa isang sorpresang handog na opisyal nilang inanunsyo noong Sabado, July 4, ang pinakahihintay na fan meet ng serye.






