Article Inside Page

Showbiz News

Nakakuha ng 9.5 percent ang 'The Master Cutter' na higit na mataas sa programang katapat nito.Walang duda na mas pinipili ng buong bayan na tutukan ang adventures ni Atoy (Dingdong Dantes) sa primetime.

Sa inilabas na datos ng NUTAM People Ratings, tinalo ng The Master Cutter ang katapat nitong programa.

Noong Lunes, June 29, nakakuha ng 9.5 percent ang GMA Prime series, higit na mataas sa kakumpetensya nito.