Article Inside Page

Showbiz News

Mas panalo sa pamilyang Pilipino ang 'The Master Cutter' dahil simula Lunes ay mapapanood na ito sa four channels ng GMA Network!Mga Team Atoy (Dingdong Dantes), pasabog ang mga susunod na episode ng high-rating na GMA Prime series na The Master Cutter.

Matapos ang pak na pak na mission ni Master Sungit para iligtas sina Tonet (Shuvee Etrata) at Queenie sa kamay ng kidnapper na si Enzo (Mark Herras), haharap sa bagong misyon ang master tracker para alamin ang tunay na pagkatao ng little sidekick niya na si Ibyang (Sienna Stevens).

May gagawin ding paghahanap si Audrey/Elaine (Max Collins) dahil nalaman na niya sa kanyang ama na si Dmitri (Tonton Gutierrez) na may isinilang siyang anak habang nagre-recover sa coma.