Article Inside Page

Showbiz News

Patuloy na umaani ng mataas na ratings ang GMA Prime series na 'The Master Cutter,' kung saan nakapagtala ito ng mataas na TV rating nitong nakaraang tatlong gabi.Muling umani ng mataas na TV rating ang GMA Prime series na The Master Cutter matapos itong makapagtala ng 9.5 rating noong June 29, 9.7 noong June 30, at 10.5 noong July 1 mula sa GMA at GTV.

Patuloy na sinusubaybayan ng viewers ang kuwento ni Atoy, na ginagampanan ni Dingdong Dantes, habang lalo pang umiigting ang mga pagsubok na kinakaharap niya. Dahil sa sunod-sunod na mahahalagang pangyayari at matitinding eksena, lalo ring inaabangan ng mga manonood ang mga darating na kabanata ng serye.

Mapapanood ang The Master Cutter tuwing alas-8:00 ng gabi sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA at GTV. Sabay rin itong napapanood via simulcast sa Heart of Asia at I Heart TV.