Photo Inside Page

Photos

Naghatid ng mensahe si Ian de Leon sa kaniyang kapatid na si Matet de Leon sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Martes, June 30. Dahil dito, napaisip ang mga netizen kung nagkaayos na nga ba ang magkapatid kamakailan.

Ang una ay biological na anak ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, habang ang huli ay isa sa mga inampon ng yumaong batikang aktres.

Sa post ni Ian sa kaniyang Facebook account na IDL Arts and Paintings, nagpasalamat ang aktor kay Matet para sa aniya'y isang makabuluhang usapan, kung saan binanggit din niya ang pangalan ng kapatid sa dulo.