Article Inside Page

Showbiz News

Matet de Leon: "Pantay-pantay ng turing."Muling inalala ni Matet de Leon ang pagpapalaki sa kanila ng kanyang inang si Nora Aunor.

Si Matet ay isa sa mga ampon ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Sa kanyang panayam sa I-Listen with Kara David, ibinahagi niya ang kanilang buhay noon kasama ang ina at kung paano nito ipinadama sa kanila ang tunay na pagmamahal bilang mga anak.

Ayon kay Matet, hindi niya kailanman naramdaman na isa siyang ampon dahil pantay-pantay ang pagtrato ni Nora sa lahat ng kanyang mga anak.