Photo Inside Page

Photos

Sumagot na ang aktor na si Ian de Leon sa patuloy na umiinit na hidwaan nila ng kanyang kapatid na si Lotlot de Leon patungkol sa usaping mana simula nang pumanaw ang kanilang ina at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Sa kanyang Facebook Stories, sinagot ni Ian de Leon ang mga maanghang na tirada ni Lotlot laban sa kanya sa isang presscon tungkol sa pagpapatayo ng foundation para ipagpatuloy ang legacy ng kanilang ina.

“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kasi baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using mom's name?" sabi ni Ian.