Article Inside Page

Showbiz News

Nagbigay ng kanilang opinyon sina Yasmien Kurdi at Alfred Vargas tungkol sa epekto ng video games at social media sa pag-uugali ng mga bata.Isa sa mga malalaking isyu na kinakaharap ngayon ay ang bullying na nangyari sa Tacloban kung saan dalawang binatilyo ang namaril sa isang eskwelahan. Ilan sa mga itinuturong dahilan kung bakit humantong sa ganoong pangyayari: video games at social media.

Dahil dito, ilang senador ang nagsusulong ng batas para i-ban ang online games sa mga kabataan dahil sa pagiging bayolente nito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 29, ibinahagi nina Yasmien Kurdi at Alfred Vargas ang kanilang saloobin tungkol dito.