Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang mga mensahe ng dalawang singing champions ng 'TiktoClock' at 'It's Showtime' na sina Niel Briones at Yannie Basical.Nagpalitan ng mensahe ang dalawang singing champions ng TiktoClock at It's Showtime ang tungkol sa kanilang pagkakapanalo nitong Hunyo.
Si Niel Briones ay idineklarang grand champion ng "Tanghalan ng Kampeon" season 4 sa TiktoClock noong June 12. Samantala, si Yannie Paul Basical naman ang nagwagi sa"Tawag ng Tanghalan" season 10 ng It's Showtime noong June 13.
Sa post ni Niel sa Facebook, inilahad niya ang kaniyang kuwento sa kantang nagpanalo sa kaniya bilang grand champion sa "Tanghalan ng Kampeon."






