Article Inside Page

Showbiz News

Congratulations, Niel Briones!Si Niel Briones ang itinanghal na grand champion ng Tanghalan ng Kampeon season 4 sa TiktoClock.

Ngayong June 12, opisyal na nasungkit ni Niel ang titulo matapos ang ilang buwang matinding kompetisyon sa singing contest na napapanood sa TiktoClock.

Nakalaban ni Niel sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon season 4 sina Ace Espinosa ng Balanga, Bataan; Eula Bautista ng Atimonan, Quezon; Anna Marie Ricafrente ng Meycauayan, Bulacan; at Chelsea Balignot ng Pagadian City, Zamboanga del Sur.