Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang huling banggaan ng mga grand finalists na sina Ace Espinosa, Eula Bautista, Anna Marie Ricafrente, Niel Briones, at Chelsea Balignot sa June 12!Araw ng Kalayaan at huling banggaan ng grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon" ang mapapanood ngayong June 12 sa TiktoClock.

Ipakikita ng grand finalists na sina Ace Espinosa mula sa Balanga, Bataan; Eula Bautista mula sa Atimonan, Quezon; Niel Briones mula sa Bocaue, Bulacan; Anna Marie Ricafrente mula sa Meycauayan, Bulacan; at Chelsea Balignot mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang kanilang pinaghandaang performance upang makamit ang titulong Grand Champion sa Tanghalan ng Kampeon.

Matapos ang ilang buwang puno ng matitinding performances, sino kaya ang aangat sa lahat at magpapabilib sa Lupon ng Inampalan?