Article Inside Page
Showbiz News
Kilalanin ang mga magsasama-sama na Esports Gamers at Esports Casters ngayong June 26 sa 'Family Feud.'Tapatan ng Esports Gamers at Esports Casters ang masasaksihan sa "malayang makitawa, malayang makisaya" Friday episode ng Family Feud.
Ngayong June 26, tampok sa Family Feud ang diskarte sa paghula ng mga personalidad mula sa mundo ng Esports.
Mapapanood sa Esports Gamers si Johnmar "OhMyV33NUS" Villaluna, renowned Filipino Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) player na namuno sa multiple championships kabilang ang M3 Worlds. Nakakuha rin siya ng top prize sa Mobile Legends Philippine League Seasons 7, 8 at 10 at gold medal sa Mobile Legends event sa 31ST SEA Games noong 2022.






