Article Inside Page

Showbiz News

Nakatanggap si Angel Guardian ng Best Actress Award mula sa 2026 World Class Excellence Japan Awards para sa kanyang role bilang Sang'gre Deia. Congratulations!Umaapaw ang pasasalamat ng Sparkle actress na si Angel Guardian sa pagkilalang natanggap mula sa katatapos lamang na 2026 World Class Excellence Japan Awards.

Nanalo si Angel ng Best Actress Award para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Deia sa superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa isang Instagram post, ipinarating ni Angel ang naramdaman nang matanggap ang kanyang kauna-unahang Best Actress Award.