Article Inside Page

Showbiz News

Umani ng positibo at magagandang reaksyon mula sa manonood ang trailer ng 'You're My Favorite Song'!Inilabas na ng GMA Public Affairs ang official trailer ng inaabangang romance-drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song noong Biyernes, June 19 kung saan tumabo ito ng isang milyong views sa buong social media at nagkamit din ito ng magandang feedback at mga positibong komento hindi lang mula sa fans ng cast, maging sa mga manonood.

Ang You're My Favorite Song ay isang romance drama tungkol kay Angel (Caprice Cayetano), isang matalinong dalaga na gustong magtayo ng beach resort para sa kanyang lolo.

Ngunit nang may mang-agaw sa kanilang lupa, magtutulungan si Angel at ang kanyang mga kaklase't kaibigan para ipaglaban ito.