Article Inside Page
Showbiz News
Numero uno sa listahan ng trending sa social media ang pilot episode ng You're My Favorite Song!Pinag-uusapan at pinagkakaguluhan online ang inaabangang teen romance-drama sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song sa pilot episode nito ngayong Lunes, June 22.
Hindi pa man umeere sa telebisyon ang naturang episode, marami nang manonood at mga fans ng cast ang nag-aabang at gumagawa ng ingay sa social media bilang pagsuporta at pagpapakita ng kanilang excitement sa pagpapalabas ng serye.
Dahil dito, naging trending topics sa social media platform na X ang official hashtag ng You're My Favorite Song pilot episode na #YMFSPilotWeek at 'ANGELs STORY BEGINS.'






