Article Inside Page
Showbiz News
Narito ang mga makakasama nina Keylyn Trajano at Imelda Schweighart sa 'Family Feud' ngayong June 19.Ang beauty queens na sina Keylyn Trajano at Imelda Schweighart ang magpapagalingan sa pagsagot sa Family Feud!
Ngayong June 19, mapapanood sa Family Feud ang isang exciting na sagupaan ng dalawang grupong binubuo ng mga beauty queen at ng kanilang glam squad. Asahan ang masayang laban na susubok sa kanilang talino, teamwork, at galing sa pagsagot ng mga survey questions!
Pinangungunahan ni Keylyn Trajano, ang reigning Miss MGI All-Stars Philippines 2026, ang Team Susi. Isa si Keylyn sa limang Filipina candidates na nag-represent sa bansa sa kauna-unahang Miss MGI All-Stars 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand.






