Article Inside Page
Showbiz News
Kumasa sa acting challenge ang 'Delivery Boi' actor na si Vince Maristela kasama ang beteranang aktres na si Charo Santos-Concio.Naghatid ng good vibes online ang Kapuso hunk actor na si Vince Maristela kasama ang premyadong aktres na si Charo Santos-Concio.
Kumasa sa acting challenge ang Delivery Boi actor kasama ang veteran star habang nasa isang fashion event kamakailan. Sa Instagram, ibinahagi ng hunk actor ang video niya kung saan binibigkas niya ang "Dear Charo" gamit ang iba't ibang emosyon habang nagre-react naman ang veteran star.
“Acting challenge with the one and only @charosantos,” sulat niya sa caption.






