Article Inside Page
Showbiz News
Mula sa isang endorsement, social media messages at posts, nagkaroon na ng tunay na reunion ang 'Home Along Da Riles.'Napuno ng excitement ang mga lumaki noong '90s nang malaman na magbabalik ang sitcom series ng dating Comedy King na si Dolphy sa pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion. At ayon kay Boy2 Quizon, nagsimula lang ang lahat dahil sa product endorsement na ginagawa nila noon ni Vandolph Quizon.
Pagbabahagi ni Boy2 sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 12, may ine-endorso sila ni Vandolph na produkto noon nang maisip ng huli na gumawa ng content sa riles.
“May pinuntahan kaming isang riles sa Sucat. Hawak-hawak namin 'yung product, Tito Boy, tapos may ginawa kami nito. Nagulat kami, biglang napuno 'yung mga tao sa riles. Tapos nag-viral, tapos du'n na nag-start,” sabi ni Boy2.






