Article Inside Page

Showbiz News

Bukod sa pagiging aktor, direktor at producer din ng pelikula ang dating 'Bubble Gang' star.Mula sa pagpapatawa sa harap ng kamera, pinatunayan na rin ni Boy 2 Quizon na kaya niyang lumikha ng comedy projects sa pamamagitan ng Home Along Da Riles Da Reunion movie.

Sa naturang pelikula, na mapapanood na sa mga sinehan ngayong linggo, hindi lang aktor si Boy 2 kundi siya rin ang direktor at isa sa mga producer nito.

“Masaya na may halong... Of course, masaya dahil nabuo na namin yung pamilya Cosme. Pero yung buong process, siyempre, nagkaroon din ng stages. Malungkot dahil marami na din kaming mga kasama [noon] na wala na.