Article Inside Page

Showbiz News

Nakaramay ni Claudine Barretto ang kaniyang Cosme Family sa pagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang ina.Lubos ang pagluluksa ng aktres na si Claudine Barretto matapos magkasunod na pumanaw ang kapatid na si Mito Barretto noong 2025, at inang si Inday Barretto nito lang January 2026. At sa pagluluksa niyang iyon, nakaramay niya ang kaniyang Cosme Family mula sa Home Along Da Riles: Da Reunion.

Kasama sina Boy2 Quizon at Vandolph Quizon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 12, inamin ni Claudine na ngayon pa lang pinoproseso ng kaniyang pamilya ang nararamdaman nila nang pumanaw ang ina na si Inday.

Pag-amin ni Claudine, “I wouldn't be able na makayanan lahat 'to kung wala 'yung Cosme family ko, totoo lang. There are days na hindi ko talaga kaya, alam n'yo 'yun, kaya kahit madaling araw, 24/7 naka-stand by 'yang dalawang 'yan, and si Maybe, si Maybelyn.”