Article Inside Page
Showbiz News
Ibinida ni Megastar Sharon Cuneta ang isa sa nauna niyang naipundar na luxury timepieces, ang Cartier Santos steel and gold watch, na ngayon ay ipinamana na niya sa kanyang anak na si KC Concepcion.Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang kuwento sa likod ng special gift niya sa kanyang anak na si KC Concepcion kamakailan.
Sa latest Instagram post ng batikang aktres, ibinunyag niya na isa ito sa nauna niyang naipundar na luxury timepieces, ang Cartier Santos steel and gold watch, na mahigit apat na dekada na sa kanya.
Sulat ng Megastar sa caption, "When KC visited me recently, I gave her a very special gift. Noticed the watch she is wearing in the picture. It is the very first expensive watch I bought for myself when I was sixteen or seventeen, so it is over forty years old."






