Article Inside Page

Showbiz News

Sa pilot episode ng 'Taskforce Firewall,' napanood ang mabigat na backstory ng mga karakter nina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kapuso actress Kylie Padilla habang pinapanood ang pilot episode ng pinagbibidahang tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Unang episode pa lang ay ramdam na ang bigat ng kuwento kung saan napanood ang backstory ng mga karakter nina Kylie at Miguel Tanfelix na sina Isa at Galo. Na-kidnap si Isa ng sariling yaya na isa pa lang child trafficker.