Article Inside Page
Showbiz News
May isang special announcement si Jillian Ward sa kaniyang pagbisita sa studio ng It's Showtime!Nakisaya ang Star of the New Gen na si Jillian Ward sa noontime variety show na It's Showtime nitong Biyernes, September 4.
Matapos bumati sa puno ng energy na “madlang people,” agad tinanong ng host ng show na si Darren Espanto ang aktres kung ano ang emosyong maglalarawan sa bungad ng buwan ng Setyembre gamit ang mga emosyon sa TikTok trend na “4 Signs Challenge.”
“So far, happy and excited ako! Kailangan lagi lang happy,” masiglang sagot ni Jillian.






