Article Inside Page

Showbiz News

Jillian Ward sa preparasyon para sa upcoming concert: "Umaabot po ako ng mga four hours sa pag-rehearse, sa pagsayaw."Puspusan na ang paghahanda ni Star of the New Gen Jillian Ward para sa kauna-unahan niyang solo concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 31.

Sa interview kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Jillian ang dedikasyon na makapagbigay ng all-out performance sa nalalapit na concert, kung saan hands-on siya sa kanyang production numbers.

"Yesterday lang po, nine hours po ako na nagre-rehearse sa pagkanta. Nire-review ko po lahat ng songs," sabi niya. "Umaabot po ako ng mga four hours sa pag-rehearse, sa pagsayaw. Then after that, nagjo-jogging pa po ako para ma-boost ko 'yung stamina ko."