Article Inside Page
Showbiz News
Nakiramay sina Barbie Forteza at Mika Salamanca sa mga kababayang naapektuhan ng baha.Sa gitna ng mga pagsubok at sakunang nararanasan ng bansa, hindi nakalimutang magbigay ng malasakit ng Saving Cherry stars na sina Barbie Forteza at Mika Salamanca.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, September 2, nakiisa sina Barbie at Mika sa mga Pilipinong naapektuhan ng baha.
Para kay Barbie, hiling niya na kahit sa pamamagitan ng kanilang pelikula ay mapasaya nila ang mga Pilipino sa kabila ng mga pinagdaraanan ng bansa dahil sa sunod-sunod na pag-ulan dala ng habagat.






