Article Inside Page
Showbiz News
Mika Salamanca kay Barbie Forteza sa 'Saving Cherry': "Nu'ng nakasama ko siya sa set, sobrang professional. Ibang level 'yung professionalism ni Ate Barbie."Kabilang ang PBB Celebrity Collab Kapuso big winner na si Mika Salamanca sa upcoming comedy film na Saving Cherry, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Sa naganap sa media conference ng pelikula noong Lunes (August 3), ipinarating ni Mika ang paghanga kay Barbie na, aniya, nilu-look up niya bilang aktres.
"I said yes to this project because I learned and I know na si Ate Barbie 'yung lead," sabi niya. "I remember na may isang gabi na talagang minessage ko pa si Ate Barbie kasi I look up to her talaga as an actress."






