Article Inside Page
Showbiz News
Ayon kay Barbie Forteza, ipakikita niya ang kanyang 'wild side' sa pelikulang 'Saving Cherry.' Alamin ang detalye rito:Bibida si Barbie Forteza sa upcoming comedy movie na pinamagatang Saving Cherry, na mapapanood na sa susunod na buwan.
Nitong Lunes (August 3), naganap ang media conference para sa nasabing pelikula, kung saan ipinakilala ang stellar cast at ibinahagi ng mga ito kanilang mga naging karanasan sa pagbuo ng Saving Cherry.
Dito ay ikinuwento ni Barbie na ang karakter niya bilang Cherry ay ang "wildest woman" na kanyang nagampanan. Labis din ang kanyang pasasalamat sa direktor ng pelikula na si Ivan Andrew Payawal dahil sa freedom na ibinigay nito sa kanila ng kanyang co-stars sa pag-atake ng kanilang mga eksena.










