Article Inside Page

Showbiz News

Naging emosyonal ang host na si Ryan Bang sa 'It's Showtime' matapos dumalo sa concert ni Yeng Constantino kamakailan.Hindi napigilang maging emosyonal ang Korean TV personality na si Ryan Bang sa It's Showtime kahapon, September 2.

Sa "Miss Q&A: Reyna Talak-era 2026" segment, kinumusta ng Unkabogable Star na si Vice Ganda si Ryan dahil napansin nitong laman siya ng balita, pati sa social media.

"Kumusta? Bakit parang sikat na sikat ka ngayon?" tanong ng seasoned comedian.