Article Inside Page

Showbiz News

Nagbigay ng heartwarming birthday message ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa kanyang 'It's Showtime' co-host na si Ryan Bang.Ipinagdiriwang ng Korean host na si Ryan Bang ang kanyang 35th birthday ngayong Martes (June 16) sa noontime variety show na It's Showtime.

Naghatid ng pangmalakasang birthday performance si Ryan nang awitin ang ilang popular Pinoy songs tulad ng "Ale," "Ewan," "Panalangin," at "Sumayaw Sumunod." Matapos ito, nakatanggap din ng masayang pagbati ang birthday celebrant mula sa kanyang kapwa hosts.

Bukod dito, nagbigay din ng heartwarming na mensahe ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para kay Ryan, na itinuturing nitong anak.