Article Inside Page
Showbiz News
Walong taong gulang lamang noon si Barbie Forteza nang hinangaan niya si Sharon Cuneta at nangarap na maging aktres. Basahin dito.Ni-reveal ni Barbie Forteza na ginusto niyang maging artista dahil sa Honor Thy Mother co-star na si Sharon Cuneta.
Sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (August 28), binalikan ng Kapuso actress ang moment noong bata siya na hinangaan niya ang Megastar.
"Kaya po ako naging aktres dahil po sa kanya. Siya po ang dahilan kung bakit ginusto kong maging artista," sabi niya.






