Article Inside Page

Showbiz News

"Mama Sharon" na rin ang tawag ni Barbie Forteza sa Megastar na si Sharon Cuneta, na gumaganap bilang kanyang ina sa 'Honor Thy Mother.'Masayang ibinahagi ni Kapuso actress Barbie Forteza ang pagpayag ni Megastar Sharon Cuneta na matawag niya itong "mama."

Sa latest episode ng "I'm Ready For My Close Up" ng Sparkle GMA Artist Center, nagbigay ng reaksyon si Barbie sa larawan nila ng Megastar kung saan napuno ito ng papuri at paghanga.

"Ang aking napakagiliw, napakabungisngis, napakahusay, nakapabait, napaka-generous when it comes to giving emotion sa eksena at sa pagpapakain," sabi ni Barbie kay Sharon.