Article Inside Page

Showbiz News

Ano kaya ang wish ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez para sa kanyang asawang si Ogie Alcasid?Ipinagdiwang ng OPM icon na si Ogie Alcasid ang kanyang 59th birthday sa It's Showtime nitong Huwebes (August 28).

Naghatid ng heartwarming birthday performance ang singer-host kasama ang kapwa singer na si Moira Dela Torre. Present din sa It's Showtime studio ang asawa ni Ogie na si Regine Velasquez.

Dito ay ibinahagi ng Asia's Songbird ang kanyang wish para sa kanyang mister. Aniya, “That he'll always be blessed abundantly. Sa gabi, pinagdadasal ko siya lagi, pine-pray over ko siya. And para sa mga misis, sa mga mag-asawa, it's very important to pray for your spouse, very important.”