Article Inside Page

Showbiz News

Dimples Romana to her friendship with Bea Alonzo: “Sa tagal naming magkaibigan, hindi uso… ang tampo-tampo.”Diretsong sinagot at nilinaw ni Dimples Romana ang mga tanong at haka-haka kung nagtampo ba siya na hindi siya imbitado sa secret wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co.

Sa isang big event ng Kapatid Network na idinaos noong August 6, na-interview ng entertainment media si Dimples at sinagot niya ang mga tanong tungkol sa friendship nila ni Bea at sa intimate wedding nila ni Vincent, na ikinagulat nang marami.

Napa-react ang celebrity mom noong tinanong siya ng press kung nagtampo ba siya na hindi siya inimbitahan ng Kapuso actress sa kanyang kasal kahit isa siya sa mga close friends nito.