Article Inside Page
Showbiz News
"Nakakahawa ang saya mo. Congrats Bea!" - Direk Zig DulayNagpaabot ng wedding wishes ang Whispers From Heaven cast na sina Maricar Reyes at Cassy Legaspi para sa co-star nila na si Bea Alonzo, maging ang kanilang directors na sina Zig Dulay at Jorron Lee Monroy.
Anila, tulad ng marami, ikinagulat din nila ang balitang ikinasal na si Bea. Noong Lunes, July 13, nagkaroon ng civil wedding si Bea sa business tycoon na si Vincent Co.
"Dapat may taping kami tapos biglang nagkaroon siya ng emergency, 'yun pala 'yon," kuwento ni Direk Jorron sa interview niya kay Nelson Canlas para sa 24 Oras.







