Article Inside Page
Showbiz News
Bea Alonzo sa series na 'Whispers From Heaven': "I'm happy na ito yung project na 'yon, lalong-lalo na it's very timely because mag-e-eleksyon sa 2028, and magandang ipinapakita natin sa kanila kung ano 'yung epekto ng boto nila."Puspusan ang taping para sa upcoming GMA series na Whispers From Heaven para sa kaabang-abang na pag-ere nito early next year.
Ngayong Huwebes (July 9), may pasilip ang programa sa Senate hearing scene ng lead stars na sina Bea Alonzo at Maricar Reyes.
Sa Whispers From Heaven, makikilala si Bea bilang Celestine Reyes, Chief of Staff ni Buenavista City Mayor Ivana Alabanza-Perona, na gagampanan ni Maricar.






