Article Inside Page

Showbiz News

Answered prayers para kay Buboy Villar ang pagkakayos nila ngayon ng ex-partner na si Angillyn Gorens.Matapos ang mga akusasyon kay Taskforce Firewall star Buboy Villar, ibinahagi ng aktor na sa wakas ay nagkaayos na silang muli.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang co-star na si Angelica Hart, ibinahagi ni Buboy ang magandang balita. Matatandaan na noong huling bumisita ang actor-comedian sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, iyon ay para sagutin ang mga akusasyon ni Angillyn sa kaniya.

At sa pangangumusta ni King of Talk Boy Abunda sa kaniya, sinabi ni Buboy, “Alam n'yo po, after po nu'ng nangyari po na 'yun, pinagdasal ko na lang po talaga lahat. Sinurrender ko na po kay Lord ang mga bagay-bagay and kakadasal ko, kakakulit ko po, Tito Boy, merong isang araw, nasa taping po ako, nagkausap po kami, kausap ko 'yung anak ko, si Vlance, and then biglang out of nowhere, kinuha niya lang 'yung phone tapos gusto niya akong makausap.”