Article Inside Page
Showbiz News
Hindi naging biro ang simula ng karera ni Angelica Hart. Alamin ang kwento dito.Bago pa naging sikat na sexy star si Taskforce Firewall actress Angelica Hart, marami na umano siyang pinagdaanan sa kaniyang buhay. Sa katunayan, nagkaroon pa nga ng pagkakataon na sinampahan niya at ng ilang kasamahan ang isang artist management company.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 21, kasama si Buboy Villar, inamin ni Angelica na bata pa lang ay gusto na niyang mag-artista. Ngunit sabi ng aktres, hindi rin naging biro ang kaniyang career journey.
“Bata pa lang po ako, nagte-theater actor na po ako, and then nagwo-work po ako, nagpa-part-time po ako para lang makapunta sa mga workshop, ganiyan. And then, before po ako mag-Vivamax, nagho-host din po ako, naggi-guesting po ako,” pagbabahagi ng aktres.






